WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Bumbero todas, patrolman sugatan sa 2 aksidente ng motor

Nasawi ang isang bumbero samantalang sugatan ang isang pulis sa magkahiwalay na aksidente sa motorsiklo sa lalawigan ng Quezon nitong Miyerkoles at Huwebes.

Nangyari ang unang aksidente sa provincial road sa Brgy. Danlagan, bayan ng Padre Burgos nang sumemplang ang NMAX motorcycle na minamaneho ng pulis na si Patrolman Geoffrey Calma, nakatalaga sa 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company (QPMFC) ng Quezon Police dakong alas-8:10 ng gabi noong Miyerkoles.

Ayon sa report, nawalan ng kontrol si Calma matapos niyang masagasaan ang isang aso na biglang tumawid sa highway. Nagtamo ito ng mga pinsala sa katawan at ginagamot pa ngayon sa ospital.

Samantala patay naman ang bumbero na si SFO1 Peter John Sesperes nang sumalpok ang minamaneho niyang NMax sa railing ng tulay sa Maharlika Highway sa Barangay Villa Padua Gumaca, bandang alas-2:20 ng madaling-araw kahapon. Tumilapon mula sa motorsiklo ang bumbero at nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan. (Ronilo Dagos)