WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Agatha quarantine dahil sa COVID-19

WALANG tigil sa paglilingkod bilang pambansang atleta ng Pilipinas si four-time Southeast Asian Games wushu gold medalist Agatha Chrystenzen Wong kahit na sangkaterbang problema sa pagsasanay, pag-aaral, kalusugan at personal na buhay ang kinakaharap nito.

Inihayag ng 24-anyos na Taijijian at Taijiquan champion sa kanyang 12:40 minutong vlog ang kanyang mga pinagdaanang pangyayari sa kanyang buhay pagdating sa desisyon na hindi ituoy ang pag-aaral sa Law School na kasabay ng kanilang isinasagawang training sa main hub ng national wushu team sa 5th floor ng Philippine Center for Sports Medicine Building sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Nakaranas rin umano ito ng sintomas ng COVID-19 matapos na magkaroon ng close-contact sa isang teammate na nagpositibo sa naturang delikadong sakit.

“Nagkaroon ng COVID-19 ‘yung teammate ko na isa and all of us in the team we’re exposed including one of my coaches. We have quarantined for a week, [July 25], I feel so weak, not even because I have Covid but I feel weak physically, today is the 5th day of not event exercising a bit, not even in my room. I haven’t got home for two weeks,” saad ng 2018 Jakarta-Palembang Asian Games bronze medalist. (Gerard Arce)