WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Tulfo biktima ng doble buwis bilang vlogger

Hiniling ni Senador Raffy Tulfo sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na iwasang doblehin ang pagbubuwis sa mga vlogger at maghinay-hinay din sa pagpapataw ng buwis sa mga online seller.

Ayon kay Tulfo, bilang isa ring content creator, ibi­nahagi niya ang kanyang karanasan dati kung saan tumanggap siya ng suweldo mula sa YouTube at bawas na ang buwis mula sa US. Bukod pa ani­ya rin ang buwis na inaawas mula sa Pilipinas.

“Double taxation ‘yan. Pero ok lang sa akin ‘yon. As a good citizen, kung kailangan ko talaga magbayad ng buwis, ishe-share ko ‘yong aking revenue para makatulong kahit papaano sa bayan,” sabi ni Tulfo sa panayam sa ANC.

“Pero kailangan talaga, meron tayong set na standard. Pag-aralan mabuti ng BIR kung maglatag ng maayos na sistema paano ba talaga ang magiging maayos na taxation para sa mga vlogger na hindi na magkaroon ng too much double taxation,” dagdag pa niya.

Hinikayat din ni Tulfo ang BIR na patawan lang nang maliit na buwis ang mga online seller dahil ang mga binibili nilang raw material sa kanilang produkto ay nabuwisan na.

“Bumibili sila ng raw materials nila doon pa lamang nata-tax-an na sila sa VAT. Dapat pag-aralan mabuti ng BIR kung magkano ba dapat ang ita-tax. Siguro very minimum na lang,” sambit pa ng senador. (Dindo Matining)