WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Torre eeksena sa Boac chess

MULING masisilayan si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre bilang guest speaker sa formal opening ng 2nd Marinduque Rapid Chess Tournament sa Agosto 20 sa Boac Covered Court sa Boac, Marinduque.

Si Torre, ang founding president ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), ay magbibigay ng inspirasyon sa mga kalahok sa grassroots competition para ipagpatuloy ang kanilang piniling palakasan.

Ibabahagi din ni Torre ang kanyang sikreto na isa sa world’s top players ng kanyang kapanahunan.

Tampok sa event ang Open Division at Kiddies Category, na ipapatupad ang time control 15 minutes plus 5 seconds increment bawat manlalaro. (Elech Dawa)