WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

SRA babalasahin

Babalasahin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Sugar Regulatory Administration (SRA) sa loob ng linggong ito.

Ito ang inihayag ng pangulo kasunod ng nabistong tangkang pag-aangkat sana ng 300,000 metric tons ng asukal na nauwi sa pagbibitiw sa puwesto ng ilang opisyal ng Sugar Regulatory Board.

“So what we are going to do is that we are going to reorganize the SRA and as soon as that’s done — that should be done this week, before the end of this week,” anang pangulo.

Makikipag-ugnayan aniya sila sa mga industrial consumer at stakeholder sa industriya ng asukal para matukoy kung hanggang saan aabutin ang kasalukuyang supply at para mabatid kung may pangangailangan talaga na mag-angkat ng asukal. (Aileen Taliping)