WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Sen Poe, BOC boss Ruiz sapol ng COVID

Nagpositibo sa COVID-19 si Senadora Grace Poe, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri kahapon.

“Senator Grace Poe, ma’am, please get well soon from your COVID-19,” pahayag ni Zubiri sa sesyon ng Senado noong Miyerkoles.

“We pray in the Senate that you stay safe and that you can hurdle COVID-19. I’m sure you will do well,” dagdag pa niya.
Dumalo si Poe sa virtual session ng Senado kasama ang tatlo iba pang senador — Francis Escudero, Cynthia Villar at Ramon Revilla Jr.

Si Escudero ay na-expose sa isang COVID-19 patient habang si Villar naman ay nagpapagaling pa sa naturang sakit. Si Revilla ay sumailalim sa eye surgery at kailangang manatili sa kanilang bahay para magpagaling.

Samantala, nagpositibo rin sa COVID si Bureau of Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ayon sa BOC Public Information and Assistance Division kamakalawa.

Si Ruiz ay kasalukuyan umanong nasa isolation.

“He is in quarantine but continues to work on urgent matters concerning the Bureau of Customs,” ayon sa inilabas na statement ng BOC. (Dindo Matining)