WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Sampalan ng rating’ ‘Lolong’, ‘Darna’ binuhay network war

So, buhay na buhay na naman ang giyera sa rating!?

Hudyat na ba ito ng network war?

Di ba nga, pansamantalang nawala ang banggaan sa rating nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Pero heto nga, kanya-kanyang paandar, pasabog na ang magkabilang kampo, sa kung sino ba ang mas mataas ang rating.

Bakbakan kung bakbakan nga ang ‘Lolong’ ni Ruru Madrid ng GMA 7, at ‘Darna’ ni Jane de Leon sa Kapamilya channel/TV5.

Sigaw ng ‘Darna’, panalo sila sa rating.

At `yon ay base sa Kantar Media.

Na sa pilot episode pa lang daw nila ay nakakuha na sila ng rating sa Mega Manila ng 19.4% vs Lolong 18.8%.

At sa Metro Manila naman daw ay nakakuha ang Darna ng 23% vs Lolong 21.3%.

Sa Total Visayas daw ay humamig ang Darna ng 21.9% vs Lolong 20.3%.

At sa Rural Visayas ay nakakuha ang Darna ng 22.2% vs Lolong 18.9%.

Kaya super happy ang kampo ni Jane!

Pero siyempre, hindi naman pumayag ang GMA 7. Sabi nila, lalo raw

parami nang parami ang tumututok sa Lolong gabi-gabi.

Noong Lunes nga raw ay humataw sa ratings ang Lolong, laban sab ago nitong katapat.

Umabot nga raw sa 17.3 percent ang combined NUTAM people rating ng Lolong noong Lunes (August 15) base sa overnight data ng Nielsen Phils. TAM. Malayo raw `yon sa 10.5 percent combined people rating na nakuha naman ng katapat nitong programa (Darna).

At dahil balik-Pilipinas na nga raw si Ruru, expect na mas marami pang paandar ang programa. Nitong weekend ay nagtungo sa Cebu ang Kapuso aktor kasama ang leading lady na si Shaira para sa isang Kapuso Mall Show.

Magiging bahagi rin ang Lolong sa Kadayawan Festival sa Davao sa weekend. Ang bestfriend naman ni Lolong na si Dakila, game na game rin sa pag-iikot sa buong bansa. Nagkaroon pa sila ng bonding ni Lolong nitong Lunes kung saan sumakay sila sa isang ultra light plane at lumipad sa ere. Saan kaya ang susunod na #DaksSpotted?

So, ano na nga ba? Bongga, di ba?

Nangangamoy giyera na sina Darna at Lolong. (Dondon Sermino)