WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

PBBM sa mga negosyante: Asukal ipako sa P70 per kilo

Hihilingin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga negosyante na ibaba hanggang P70 kada kilo ang presyo ng asukal.

Nakarating sa presidente na umabot na sa P100 kada kilo ang presyo ng asukal sa mga pamilihan na aniya ay mataas para sa mga consumer.

Nakikipagnegosasyon na aniya ang gobyerno sa mga negosyante na nag-alok ng P80 kada kilo subalit ihihirit nito na ibaba pa hanggang P70.

Naaawa aniya ang presidente sa mamamayan at umaasa siya na mapagbibigyan siya ng mga negos­yante para maibaba ang presyo ng asukal.

“Mataas ‘yon. That’s what we are negotiating with the traders now. Hihingin natin… they were – they first offered at P80, so sabi ko, “Hingiin ko na ‘yong P70, tulungan ninyo na lang kasi kawawa naman ang tao” and we’re getting there,” anang pangulo.

Sinabi ng presidente na may supply pa ang bansa kaya hindi pa kailangang mag-import ng asukal sa ngayon.

Kung mayroon man aniyang magiging kakapusan sa supply, posibleng ito ay magaganap sa kalaunan.

“Ang tinitingnan natin ay kung ano ‘yong mga in-country na, nandito na, na hindi na kailangan mag-import.Pero hindi talaga – magkakakulang ‘yan so later on this year,” dagdag ng pangulo. (Aileen Taliping)