WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Killer ng dalagitang siklista, tukoy na

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na mayroon ng suspek ang pulisya sa kaso ng pagpatay sa 15-anyos na dalagitang siklista sa San Jose Del Monte, Bulacan noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo, isasampa ang kaso laban sa suspek anumang araw ngayong linggo.
Hinihintay din nila aniya ang resulta ng medico legal sa biktima kung hinalay din ito.

Natukoy aniya ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek batay sa salaysay ng ilang nakasaksi na huling nakakita ng buhay kay Princess Dumantay noong Agosto 10.

Madalas umanong makasama ng biktima ang suspek sa tuwing nagbibisikleta ito sa bahagi ng Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ng dalagitang siklista sa madamong bahagi ng Bustos, Bulacan noong Agosto 12 na may marka ng pagkakasakal at tadtad ng pasa, sugat, pasok ng sigarilyo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.