WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

Kasado ka ba sa 10,000 steps a day challenge?

Sa panahon ngayon na halos balik na sa normal ang lahat, parang madali lang ma-achieve ng 10,000 steps a day challenge na ayon sa mga health expert ay maraming idinudulot na mabuti sa overall health ng isang tao.

Paano ba gawin ang 10,000 step challenge? Ayon sa article ng Medibank.com, hindi naman kailangan na magawa ito sa isang lakaran lang. Pwedeng paunti-unti hanggang sa makuha mo ang goal. Kung susukatin ang layo ng 10,000 na hakbang, katumbas daw ito ng halos 8 kilometrong distansya. Kung lalakarin ay nasa 1 hour and forty minutes pero depende pa rin sa laki ng hakbang at bilis ng lakad ng isang tao. Pwedeng accumulated o pinagsama- samang exercise gaya ng swimming, dancing, cycling o gawain gaya ng paglalakad sa park o mall, pagdo-dog walk, pagpunta sa pelengke o grocery at mga household chore.

Ang 30 minute walk kung saan kaya mo pang makipag -usap o makapagsalita habang naglalakad ay may positibong epekto sa cardiovascular fitness, pinapalakas nito ang buto, muscles, endurance at immunity. Nakakatulong din para mabawasan ang sobrang taba sa katawan.

Sapul din sa benepisyo nito ang mental health. Mas sumasaya at nababawasan ang pag-iisip ng mga negatibo. Kapag tayo ay pinapawisan, naalis ang anxiety at stress. May positive impact din sa pag-build ng confidence kapag tayo ay gumagalaw- galaw.

Kung hirap kang magsimula o itulak ang iyong sarili sa paglalakad, maraming paraan para mahikayat itong gawin. Una, pwede mag aya muna ng kapamilya o kaibigan na mag-casual walk sa community o kung may malapit na park or sports facility sa lugar nyo. Magsimula sa maikling lakad ng 10-15 minutes at piliting hindi magkaiwanan ng mga kasama, ito ay para maging encouraging para sa lahat at dahil iba- iba din ang fitness level ng bawat tao.

Habang nagiging regular na ang walking schedule ay pwede nang paunti -unting i- adjust ang bilis at layo nang paglakad. Laging tandaan ang kasabihan na ‘even a little is good, but more is better’. Kaya mas mabuti na ang may kaunting step kesa wala.

Kung medyo adjusted na sa routine, pwedeng i- level up na ito sa high intensity activity. Ito yun mga galaw na bumibilis ang paghinga at heart rate gaya ng aerobics, mabilis na pagbibisikleta, circuit training o jogging. Ang 10 minutes ng mga ito ay katumbas ng 2,000 steps.

Sa umpisa pang nakakatamad lalo na kung matagal natengga na walang ginagawa pero kung desidido kang mag-focus sa direksyon ng healthy lifestyle, magsuot na agad ng kumportableng sapatos at preskong damit para makapag-jump start ka na.

Makakatulong din sa motivation ang mga tracking gadget like smart watch o cellphone na pwedeng lagyan ng fitness app para masukat ang bilang ng nagagawang hakbang sa isang activity. Para lalong ma-push, gumawa ng playlist na pakikinggan o kaya naman podcast na naayon sa hilig mo.

Sobrang dami ng mga health benefit ng walking pero hindi rin ito para sa lahat kaya mas mabuti na bago umpisahan ay magsabi muna sa iyong doktor para di magsisi sa huli.