WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Jerwin nagpalit ng nutritionist

TUTOK sa kinakain!

Ito ngayon ang binabantayan ng coach ni Pinoy fighter Jerwin Ancajas na si Joven Jimenez sa kanyang alaga.

Ngayong nalalapit na kasi ang pagbabalik ni ‘Pretty Boy’ Ancajas sa boxing ring ay hindi na aniya dapat maulit ang nakaraan nilang pagkakamali kontra kay Fernando Daniel Martinez ng Argentina.

Nakatakda ang kanilang rematch sa Oktubre 8 sa Los Angeles, California.

Isa kasi sa naging isang rason ng pagkatalo ni Jerwinay ang hindi pagbantay sa nutrition at training method nito dahilan para mabitawan niya ang matagal na niyang bitbit na IBF junior bantamweight belt noong Pebrero via unanimous decision kontra Martinez.

Base sa lumabas na ulat, tumapik ng bagong nutritionist ang kampo ng Panabo-pride boxer sa katauhan ni Bianca Estrella upang mabantayan ang kalusugan ni Ancajas kasabay ng paghahasa nito sa upakan.

Hawak ngayon ni Jerwin ang 33-2-2 record habang ang umagaw sa kanyang belt na si Fernando ay may impresibong 13-0 kartada. (Aivan Episcope)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on