WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Hindi ko na kaya’ Sharon durog, wasak ang puso

May panibagong pinagdadaanan ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Pagkatapos nga na pumanaw ng malapit niyang kaibigan, ang actress na si Cherie Gil, bukod pa sa mga nagkasunod-sunod din kay Sharon na malalapit sa kanyang namayapa na sa loob lang ng taong ito, sinabi niyang hindi na raw talaga niya kakayanin kung may panibago na naman.

Sa naging social media post niya, may binanggit siyang kaibigan na na-stroke at nasa ICU ngayon. Nakikiusap siya na pahabain pa ang buhay nito. Gayundin ang 25 year old na pamangkin niya na may cancer.

“Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me…I just found out that she is in the ICU now because of a “silent stroke.” Please, please pray with me for her healing…Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie…Hindi ko na kaya. Please pray. My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon…Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me…More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves.”

Sa kasunod na post niya, ang tungkol naman sa kanyang pamangkin. Aniya, For my niece, “Bam,” I ask for all your prayers too…She is only 25…and I do not understand why she has cancer…She is a loving, happy, good girl whom we all love so much…Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too…Maraming salamat po.”

Beauty ayaw nang magkaanak

Sa nakaaaliw na interview ni Luis Manzano kay Beauty Gonzalez sa kanyang YouTube channel, mabilis na “No” ang natatawang sagot ni Beauty sa tanong ni Luis kung nagpaplano na ito at ang kanyang asawa na si Norman Crisologo ng second baby.

May isang anak na silang babae who is already seven years old. But still, wala raw ito sa plano ng Kapuso actress.

“If you’ll do the math with me and my husband, I would like to enjoy the rest of his life na kaming tatlo and travel around the world and not see him too old to change diapers pa or like run after kids.

“And I’m happy na ganito kasi, parang bata rin ako. So, I’m happy na kaming dalawa,” sey niya.

Ang age gap nina Beauty at ng kanyang Mister ay 26 years. Pero ayon dito, hindi raw ito naging isyu sa kanila ever since. In fact, nalaman na lang daw niya ang actual numbers ng age gap nila, kasal na sila, though, alam niya na malaki talaga ang agwat ng edad nila from the beginning pa lang.

Proud din si Beauty na supportive ang kanyang asawa sa lahat ng ginagawa niya. Hindi raw ito seloso.

“He’s not and in fact, he’s very supportive of all of my shows. At nanonood talaga siya. He makes comment about it and he suggests sometimes kung sino bagay sa akin na maging ka-loveteam.

“He’s really open about it and now that he sees me at my prime. That’s what he said, sabi niya, make most of it. Kapag mataba ka na, ako na ang magtatago sa‘yo.

“He’s really supportive,” sey ni Beauty na bida ng GMA Afternoon Prime’s “The Fake Life.”

Miguel baliw sa pag-ibig kay Ysabel

In-love talaga ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix sa bago niyang ka-loveteam na si Ysabel Ortega.

Mas open na ito o sila ngayon, though, hindi pa malinaw sa amin kung ngayon ba, ina-allow na talaga ng Mommy ni Ysabel na formal ng makipag-relasyon ang anak.

Sey ng source namin, malinaw naman daw kasi ang intensiyon talaga ni Miguel kay Ysabel na gusto niya ito.

Sa Instagram post ni Miguel, tinawag niyang anghel si Ysabel. Dahilan para kiligin ang mga fan nila.

Sabi ni Miguel, “an angel.” Pero ang reply kasi rito ni Ysabel, parang ‘di ito happy sa emoji na ipinost. Kaya napa-comment ang isang netizen dito na, “bibis masaya ako na masaya kayo hihi. Bakit naman ang emoji mo.”

Comment naman ng iba, “So this is how Miguel Tanfelix flexes his woman. I’m so happy for the both of you.

“Miguel Tumatapang Tanfelix Hahahaha”