WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

George ‘lunod’ sa party, alak

NAGPAPAKASAYA muna si LA Clippers star Paul George habang hindi pa nagsisimula ang 2022-2023 NBA season.

Naispatan si ‘PG13’ na nakikisaya sa isang party kasama ang dating teammate na si Danilo Gallinari, nakikipaghiyawan sa mga kasayaw habang umiinom ata tila nagpapakalunod sa champagne.

Ngayong offseason, kanya-kanyang aktibidades ang mga NBA star, ang iba ay naglalaro sa Pro-Am Games habang ang iba naman ay nakikisaya kasama ang kanilang pamilya at kaibigan.

Iba naman ang naging trip ni George habang hinihintay ang susunod na NBA action.

Sa isang video, makikitang masayang-masaya si George sa pakikihalubiro sa mga taong nasa party.

Sa pagbabalik ni Kawhi Leonard sa Clippers, isa sila sa mga markadong team sa nalalapit na pagbubukas ng NBA dahil nadagdagan pa sila ng matinding armas sa katauhan ni John Wall.

Dahil sa mga natamong injuries ng key players ng Clippers ay hindi sila nakapasok sa playoffs matapos ilista ang 42-40 panalo-talo karta sa nagdaang torneo.

Hindi nakalaro ng buong season si Leonard habang halos matatapos na ang regular season nang unang maglaro si George sa Clippers. (Elech Dawa)