WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Ex-tserman timbog sa troso, boga, droga

Arestado ang isang dating kapitan ng barangay matapos itong makumpiskahan ng ilegal na droga, baril at troso sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bayan ng Pinukpuk, Kalinga nitong Martes.

Dinakip ang suspek na si Reynold Gongob, alyas ‘Lenod’, 47-anyos at dating chairman ng Barangay Wagod sa nasabing bayan sa bisa ng tatlong search warrant na inilabas ni Tabuk City, Kalinga Trial Court (RTC) Branch 25 Regional Judge Jerson Angog.

Nakuha ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Group Cordillera (RSGC) at Kalinga Police Provincial Office (KPPO) mula sa pag-iingat ng suspek ang isang karton na naglalaman ng 51 5.56mm na bala, dalawang .45mm bala, apat na piraso ng blasting cap at fuse, isang gun supressor, tatlong 5.56 short magazine, .45mm magazine at isang MI911 A2 Cal.45 pistol case at bandolier.

Nasamsam din sa suspek ang nasa P200,000 halaga ng pinaniniwalaang shabu at P106,408 halaga ng pinutol na kahoy.
Inihahanda na ng pulisya ang patong-patong na kaso laban sa suspek. (Edwin Balasa)