WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Durant ‘binaril’ tsismis ng retiro

MAY pinalulutang na magre-retire na lang si Kevin Durant kung hindi tutugunan ng Brooklyn ang request nitong trade.

Retire kesa maburo sa Nets?

Wala raw tiwala si Durant kina Steve Nash at Sean Marks, binigyan niya pa ng ultimatum si owner Joe Tsai na mamili – KD, o ang coach at general manager.

Siniguro ni Tsai na suportado sina Nash at Marks.

Stalemate pa din.

Magkakagulo raw sa Brooklyn ‘pag nagmatigas maglaro si Durant sakaling hindi mai-trade.

Sa ulat ni NBA Insider Marc Stein, isang anonymous NBA executive daw ang nagbanggit na baka mag-retire na si Durant kesa maglaro sa Nets.

Mabilis itong binaril ng 33-anyos na forward ang haka-haka.

“I know most people will believe unnamed sources over me, but if it’s anyone out there that I’ll listen, I don’t plan on retiring anytime soon,” buwelta ni KD sa Twitter. “S*** is comical at this point.” (Vladi Eduarte)