WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Chinese national, army reservist arestado sa baril, estafa

Magkasamang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor Reaction Team (MPD-SMaRT), ang isang Chinese national na wanted sa kasong estafa at bodyguard niyang Army reservist na nag-iingat ng baril na hindi rehistrado sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay SMaRT chief P/Major Rosalino Ibay, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nina Jinxin Chen, alyas ‘Henry Tan’ at Raymond Galicia, residente ng Craig St., Sampaloc, Maynila.

Dinampot ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Estela Alma A. Sigco-Caruso, ng Cebu RTC Branch 12 sa loob ng Binondo Warehouse Depot, na matatagpuan sa 399 Barraca corner Tolenero Street, Binondo, Maynila bandang alas-11:50 ng umaga.

Nadamay sa pagdakip si Galicia nang mabuko na walang dokumento ang bitbit niyang 9mm caliber. Nakaditine ang mga ito sa SMaRT habang hinihintay ang commitment order mula sa korte. (Juliet de Loza-Cudia)