WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Bulkang Taal 28 beses umuga, makapal na usok binuga

Nagtala ng 28 na pagyanig at ibinugang usok na may taas hanggang 2,800 metro ang Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na tumagal ng apat hanggang 12 minuto ang mga pagyanig habang umabot naman sa 4,312 tonelada ang inilabas nitong asupre.

Nagpaalala ang Phivolcs na patuloy ang pagpapakita ng aktibidad ng Taal Volcano kaya patuloy ang panawagan nila sa mga residente na maging alerto sakaling bulagain na naman ang lalawigan ng mala­kas nitong pagputok anumang oras.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa permanent danger zone lalo sa paligid ng bunganga ng bulkan sa bahagi ng Daang Kastila.

Nananatili rin ito sa ilalim ng alert level 1 na senyales ng abnormal nitong kondisyon na may posibilidad ng panibagong pagsabog. (Tina Mendoza)