WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Bela super chika kay H.E.R

Hanggang London ay umabot ang koneksyon ni Bela Padilla bilang sikat na Pinay star.

Nabigyan ng chance si Bela na makilala ng personal ang Fil-Am Grammy award-winning singer-songwriter na si H.E.R.

Nasa Instagram ni Bela ang photo nila ni H.E.R. kasama ang kanyang boyfriend.

“Met H.E.R. on her “off day” and she was the sweetest. Thank you, Gabi, for your music. And thank you, @iamjagged for inviting us!” sabi ni Bela.

Ang tinutukoy ni Bela na nag-imbita sa kanila ay isa sa mga staff ng show, na nagbigay sa kanila ng all-access sa venue. Kung hindi kilalang Pinoy star sa Pinoy community si Bela, baka hindi siya nagkaroon ng chance na makaharap ito. (Rey Pumaloy)