WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Alyssa, PH squad bibinyagan Vietnam

AGAD mapapasabak sina Alyssa Valdez at ang Philippine women’s volleyball team kontra Vietnam sa paghataw ng 2022 Asian Volleyball Confederation Cup for Women simula Linggo sa PhiSports Arena sa Pasig City.

Inilhayag ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Miyerkoles ang mga pangalan ng 14 na manlalaro na sasabak sa nasabing prestihiyosong torneo na kinabibilangan nina

Valdez, Jia de Guzman, Jema Galanza at Risa Sato na bahagi ng Philippine squad na pumuwesto na ika-siyam sa huling kompetisyon ng AVC Cup for Women sa Nakhon Ratchasima, Thailand taong 2018.

Kukumpleto sa 14-women team sina Ced Domingo, Jeanette Panaga, Michele Gumabao, Ella de Jesus, Pau Soriano, Kyla Atienza, Fille Cayetano, Kyle Negrito, Rose Vargas at Tots Carlos na bahagi ng Creamline Cool Smashers na kakatapos lang magreyna sa PVL Invitational Cup.

Sisimulan ng koponan ang kampanya laban sa Vietnam sa Linggo bago magpahinga sa Lunes, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang kanilang laban sa China sa Martes at Iran sa Miyerkoles bago tapusin ang pool play action laban sa Korea sa Huwebes.

Kailangang makatapos ang pambansang koponan ng kababaihan sa top four sa Pool A para makapasok sa quarterfinals.

Ang ikalimang pwesto na koponan sa Pool A ay magtatapos sa ikasiyam na posisyon.

Ang Pool B ay nabawasan sa apat na koponan matapos ang pag-withdraw ng Kazahkstan noong Martes, ang Japan, Thailand, Chinese-Taipei at Australia ay bumubuo sa Pool B.

Si Sherwin Meneses ang head coach at ang kanyang mga katulong ay sina Karlo Santos at Bok Morado, kasama ang strength and conditioning coach na si Mark Caron. (Lito Oredo)