WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Airfare bababa sa Setyembre

Inaasahang bababa ang airfare o pamasahe sa mga eroplano sa susunod na buwan.

Batay ito sa inilabas ng resolusyon ng Civil Aeronautics Board (CAB) kung saan babawasan ang sinisingil na fuel surcharge ng local carriers.

Ibababa na sa level 9 ang passenger at cargo fuel surcharge para sa buwan ng Setyembre mula sa kasalukuyang level 12.

Ibig sabihin, ang singil para sa fuel surcharge mula sa pasahero ay bababa ng P287 hanggang P839 para sa domestic flight sa ilalim ng level 9 mula sa kasalukuyang P389 hanggang P1,137 kada pasahero sa ilalim ng level 12.

Para naman sa international flights, ang fuel surcharge ay bababa ng P947.39 hanggang P7,044.27 mula sa P1,284.40 hanggang P9,550.13.

Ang tapyas presyo sa airfare ay kasunod ng pagbaba sa average na P46.73 kada litro ang presyo ng jet fuel. (Issa Santiago)