WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

24-man pool inilabas: Gilas titigas kay Scottie

KASADO na ang bubuo sa 24-katao na kinabibilangan ng mga aktibong propersyunal na manlalaro, collegiate at free agent na siyang pagpipilian ng national coaching staff para sa Gilas Pilipinas na isasabak sa ikaapat na window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Kabilang sa komposisyon ang mga manlalaro ng Barangay Ginebra na sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar at Arvin Tolentino, Robert Bolick at Jamie Malonzo ng NorthPort, June Mar Fajardo at CJ Perez mula San Miguel at sina Chris Newsome, Allein Maliksi at Raymond Almazan ng Meralco.

Kapag napabilang sa final roster, inaasahang makakadagdag sa rebounding department at sa mahigpit na depensa ng Gilas ang reigning Most Valuable Player (MVP) ng PBA na si Scottie.

Hindi nakasampa sa semifinals ng PBA Philippine Cup ang Ginebra ni Thompson pero sa 11 laro sa All-Filipino Conference ay mayroon itong 15.27 points, 9.64 rebounds at 6.09 assists per game averages.

Una nang isinama sina Kevin Alas at Calvin Oftana ng NLEX, Jio Jalalon at Ian Sangalang ng Magnolia, Kiefer Ravena ng Shiga Lakes, Thirdy Ravena ng San-En, Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya at Dwight Ramos ng Hokkaido.

Nakatakda din dumating ngayong araw si Kai Sotto ng Adelaide 36rs mula Australia habang sa Agosto 19 naman ang beterno ng NBA mula Utah Jazz at naging Sixth Man of the Year na si Jordan Clarkson.

Ang mga collegiate player ay binubuo naman nina Carl Tamayo ng UP Maroons, Kevin Quiambao ng De La Salle Universtiy kasama ang mga free agent na sina Francis Lopez at Roosevelt Adams.

Wala namang nakasama mula sa TNT Tropang Giga na hinahawakan ni national coach Chot Reyes dahil nakatakda itong sumabak para sa kampeonato ng PBA Philippine Cup na eksaktong tatama sa iskedyul sa dalawang laban ng Gilas Pilipinas sa Agosto 25 kontra Lebanon na gaganapin sa Beirut at sa Agosto 29 kontra naman sa Saudi Arabia na gaganapin dito sa Pilipinas. (Lito Oredo)