WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

Tuli

Ang pagbibinata ay isang yugto sa pagiging tunay na lalaki ng isang bata. Sari saring seremonya ang maaaring gawin ng iba’t ibang kultura, ngunit dito sa Pilipinas, ang isa sa pinaka mahalagang ritwal ay ang pagtuli o circumcision. Ito ay isang operasyon kung saan tinatagpos ang sobrang balat sa dulo ng ari, upang lumabas ang ulo nito. Magkakaiba ang paniniwala ng mga ibang kultura at relihiyon ukol dito, kung kinakailangan ba o hindi, ang edad kung kailan gagawin ito, at kung makakabawas ba sa pagkalalaki o hindi.

Ang pangunahing layunin ng pagtuli ay upang mabawasan ang impeksiyon na maaaring maidulot nito. Dahil sa sobrang balat na tumatakip sa ulo ng ari, pwedeng magkolekta ng bakteria at magkaroon ng urinary tract infection. Ito’y pwedeng umakyat at maapektuhan ang mga kidneys at magkaroon ng pyelonephritis at malalang kumplikasyon.

Pwede din madapuan ng sexually transmitted diseases. Wala naman pagkakaiba sa sexual na karanasan kung natuli man o hindi at lalong hindi ito makakaapekto sa posibilidad na makabuntis at magkaanak sa katagalan. Dahil dito, sa bansang US, ginagawa ito habang sanggol pa lamang. Sa ibang bansa naman ay hindi nagpapatuli basta basta. Kabilang dito ang Germany, France, Belgium, Russia, Austria, Scandinavia, Japan, at China. Ang mga Muslim at Hudyo naman ay ginagawa ito dahil sa paniniwala ng kanilang relihiyon.

Dito sa ating bansa, mas madalas inaantay ang edad bago mag binata upang magpatuli. Nagkakaroon din madalas ng mga surgical missions sa iba’t ibang lugar lalo na sa panahon ng bakasyon mula sa eskuwela. Sa mga mas bata, general anesthesia ang ginagamit, upang walang maramdamang kirot at hindi ito maalala. Ngunit kadalasan ay local anesthesia lamang. Nagiinfiltrate ng local anesthetic sa puno ng ari upang mamanhid ito. Makakaramdam ng galaw, ngunit wala dapat sakit. Mahalaga na handa ang bata sa kanyang pisikal, emosyonal, sikolohiya at mentalidad. Pinakamaganda ay sila mismo ang may gusto at hihilingin na magpatuli. Sa oras na pinilit ito ng magulang o kapatid, nabibigla at nasasaktan sila. Ang hirap pa ay nagiging hindi maganda ang kanilang karanasan, at pwedeng maging sanhi ng pananakot sa mag ospital at seruhano.
Mainam ay walang pilitan. Antayin ang sapat na panahon sa tamang pagkakataong magpatuli. Mapa sa ospital o sa mga surgical missions mangyari, making ng mabuti sa seruhano , sundin ang kanilang mga payo, inumin ang mga gamot na rineseta o ibinigay, at mag follow up.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Sundin ang minimum health requirements! Magpabooster!
J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 at channel 23 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.