WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Trike driver hindi pinabuwelo, tinarget sa ulo

Tigok ang isang tricycle driver matapos itong ratratin ng hindi pa nakilalaang suspek habang naghihintay sa binili nitong tubig sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Michael Abonita, taga-Brgy. Talao-talao, Lucena City.

Sa report ng Lucena City police, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle nang huminto ito sa tapat ng isang bahay para bumili ng tubig bandang alas-nuwebe ng gabi.

Bigla umanong lumapit ang suspek at agad itong binaril sa ulo ng tatlong beses. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Nangangalap pa ng impormasyon ang pulisya para sa motibo at ikadarakip ng suspek. (Ronilo Dagos)