WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

PH ‘di mapupurdoy gaya ng Sri Lanka

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno na hindi matutulad sa Sri Lanka ang problema sa utang panlabas ng Pilipinas.

“Well, I can assure you, your honor, that we won’t go the Sri Lanka way. We are very careful in our borrowings. In fact, as the treasurer said, I think most of our debt is long term,” pahayag ni Diokno sa pagdinig ng Senate committee on ways and means.

Nabanggit ni Senador Sonny Angara, chairman ng komite, na may mga espekulasyon na matutulad ang sitwasyon ng utang panlabas ng Pilipinas sa Sri Lanka.