WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Ospital ng mga guro, estudyante itinulak

Itinulak ng isang kongresista ang panukala na magtayo ng ospital para sa mga guro at estudyante.

Sa House 2809, binigyan-diin ni Manila Teachers party-list Rep. Virgilio Lacson ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng mga guro sa lipunan at ang pangangailangan na protektahan sila ng estado.

Sa ilalim ng panukalang Philippine National Hospital for Teachers and Students Act, magtatayo ng ospital para sa guro, kanilang pamilya, ay estudyante sa bawat rehiyon.

Ang bawat ospital ay mayroong kakayanan na tumanggap ng 500 pasyente, at mayroong sariling isolation at quarantine facility na magagamit upang maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Nakasaad sa panukala ang paglalaan ng P20 bilyong inisyal na pondo para rito. (Billy Begas)