WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Leylah olats sa first round

BUMALIKWAS sa pangit na simula si No. 27 seed Ekaterina Alexandrova para pabagsakin ang No. 13 seed na si Leylah Fernandez, 6-4, 7-5 sa first round ng Western & Southern Open sa Cincinnati kahapon.

Nag-rally sa 0-3 iskor ang 27-anyos na Russian tennis player sa unang set, maging sa second frame 1-5 para ma-upset ang mas pinapaborang Canadian netter pero may dugong Pinay na 19-year-old na si Fernandez.

Sunod na makakasagupa ni Alexandrova sa second round sinuman kina Naomi Osaka o Zhang Shuai, na naghaharap muna sa unang ikutan.

Si Fernandez ang nag-serve nang dalawang beses sa second set na binasag naman ni Alexandrova para sa two set points tungo sa pagdomina sa huling anim na palitan ng palo ng bola. (Abante Sports)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on