WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Kasado sa balik-eskuwela 21.2M estudyante na

Umabot na sa 21,272,820 ang bilang ng mga nagparehistrong mag-aaral ang handa na para sa balik-eskuwela ngayong school year 2022-2023.

Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS), pinakamaraming nakapagpatala sa Region 4-A sa Calabarzon na umabot sa 3,070,451 na sinundan ng Region III na may nakatalang (2,366,003) at National Capital Region (NCR) na nasa (2,295,245) mag-aaral na handa nang pumasok sa kanilang mga paaralan sa darating na Lunes, August 22.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022 sa tatlong guidelines sa enrollment na in-person, remote at dropbox na may layuning mapa¬ngalagaan ang kaligtasan ng bawat guro, magulang at mag-aaral.

Dagdag pa rito, ang mga Alternative Lear¬ning System learners ay maaari na ring magpatala sa in-person o digital enrollment.

Mahigpit na ipinatutupad sa mga paaralan ang mga health and safety protocol. (Vick Aquino)