WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Gobyerno titigil pagbili ng bakuna kontra coronavirus

Hindi na bibili ng COVID-19 vaccine ang gobyerno ngayon 2022 kasunod nang pagkasayang ng mahigit 20.66 milyon doses ng bakuna na ang karamihan ay na-expire.

Ito ang tiniyak ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Vergeire 8.42% vaccine ang nasayang o nagkakahalaga ng mahigit sa P10 bilyon hanggang nitong Agosto 12.

Sa ibinahagi naman na datos ni Health Undersecretary Ma. Carolina Vida-TaiƱo, may 19 milyon doses ang na-expire kung saan karamihan ay mula sa donasyon ng pribadong sektor at binili ng local government units.

Iginiit ni Vergeire na wala ni isa sa mga na-expire ay binili ng national government.

Siniguro ni Vergeire na papalitan ng COVAX facility ang mga nasayang na bakuna kaya hindi na rin bibili pa ang gobyerno. (Juliet de Loza-Cudia)