WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Barangay, SK eleksyon suspensyon pinorma sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukala na ipagpaliban ng isang taon ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa mosyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., pinagbotohan ng komite na ipagpaliban ang eleksyon sa Disyembre 5, 2022 at ilipat ito sa unang Lunes ng Disyembre 2023.

Labingdalawa ang bumoto pabor sa mosyon ni Barzaga at dalawa ang tumutol dito sina ACT Teachers Rep. France Castro at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

Inaprubahan din ng komite ang mosyon ni Barzaga na magsisimula ang tatlong taong termino ng mga mananalo sa katanghalian ng Enero 1, 2024.

Ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK ay mananatili naman hanggang sa magsimula ang termino ang mga mananalo sa halalan malibana na lamang kung masususpinde o maaalis sa puwesto.

Samantala, sinabi naman ni Comelec chairperson George Garcia sa komite na kakailanganin nito ng dagdag na pondo.

Paliwanag ni Garcia kakailangan na muling buksan ang pagrerehistro ng mga bagong botante at sa pagdami ng mga botante ay kakailanganin ng mas maraming balota.

Sinabi ni Garcia na 24 milyon ang bilang ng mga bagong botante na nagparehistro sa eleksyon sa Disyembre mas mababa sa kanilang target na 29 milyon.

Hiniling din ng Comelec sa Kongreso na dagdagan ang pondo nito para maitaas ang bayad sa mga poll workers. (Billy Begas)