WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

3 Pulis-Maynila timbog sa kotong

Inaresto at dinisarmahan ang tatlong miyembro ng Manila Police District (MPD) sa loob mismo ng Paco Police Community Precinct (PCP) matapos umano nilang tangkain na kotongan ng P2,000 ang isang traysikel driver sa Sampaloc, Maynila nitong Lunes ng gabi.

Hindi nakapalag ang mga suspek na sina P/SSg. Erwin Licuasen, 34, P/Cpl. Chimber Importa, 33, at Pat. Leopoldo Tuason, 39, pawang nakatalaga sa MPD-PCP station 5 nang arestuhin sila ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) matapos mabitag sa kanilang entrapment operation ganap na alas-10:45 ng gabi noong Lunes.

Ayon kay bagong IMEG director Brig. Gen. Warren De Leon, nag-ugat ang pag-aresto sa mga suspek matapos na dumulog sa kanilang tanggapan si Frederick Alba, 34-anyos, residente ng No. 1735B Ibarra St. sa kanto ng Makiling St. sa Barangay 492, Sampaloc, Maynila.

Ani Alba, hinuli ng mga pulis ang kanyang driver na si John-John dahil sa paglabag sa counter flow at driving without license dahilan para ma-impound ang kanyang tricycle noong Agosto 14. Hiningan umano ng mga suspek ang driver ng P2,000 kapalit ng pagpapalabas sa tricycle.

Sa halip na magbigay agad, nagreklamo sa PNP-IMEG si Alba kaya ikinasa ang entrapment operation. Nasa kustodiya na ng IMEG sa Camp Crame ang tatlong pulis habang inihahanda ang kasong robbery extortion laban sa mga ito. (Edwin Balasa. Juliet de Loza-Cudia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on