WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Nagsusulat ng liham

Siguro mga tatlong beses ko nang napanaginipan ‘to kaya gusto ko lang din po itanong. Ano po ba ang kahulugan ng panaginip na nakikita ko ‘yung sarili ko na nagsusulat ng isang liham at nagbabasa din nito? Lagi kong nakakalimutan kung bakit pero basta nakikita ko raw ‘yung sarili ko na involved ‘yung letter? Parang isang beses, napanaginipan ko na

  • Amy

Indikasyon ang liham sa panaginip na mayroon kang natatagong personalidad o kaya naman ay may bahagi pa ng iyong pagkatao na hindi mo naiintindihan sa ngayon.

Sinisimbolo rin ng panaginip na ito na makukuha mo na ang respetong hangad mo at karapat-dapat sa iyo. Kadalasan din ang ganitong panaginp ay nagsisilbing babala na may hindi inaasahang pangyayari ang maaari mong maranasan sa mga susunod na araw.

Konektado rin ang mga liham sa paglipas ng oras, hindi ba’t ito rin ang isa sa mga unang paraan ng komunikasyon sa mundo, at kahit pa mayroon nang modernong teknolohiya, nananatili ito hanggang sa ngayon kahit na hindi lahat ay gumagamit pa rin ng tradisyonal na liham.

Kung naghihintay ka ngayon sa isang bagay—pwedeng sa career o kaya naman ay kasagutan sa mga tanong, sinasabi ng panaginip mo na kailangan mo pang habaan ang pasensya mo dahil matatagalan pa bago mo makamit ang mga ito. Maghihintay pa ng matagal-tagal.

Sakaling ikaw ang nakatanggap ng liham sa panaginip, nangangahulugan ito na may mabigat na responsibilidad ang iaatang sa iyong baliktan.

Ang love letter naman sa panaginip ay isang sign na nakompleto mo na ang isang cycle sa mahalagang bahagi ng buhay mo o kaya ay mga task na ipinagkatiwala sa iyo.

Kung ikaw ang nagsusulat ng liham sa panaginip, sinasabi nito na may isang tao na malayo man sa iyo ay ikaw pa rin ang iniisip. Pwede rin naman na hinihintay ka na ng ilangmga kaibigan mo

Kapag naman ikaw ang nagbabasa nito, ibig sa bihin ay may mga taong sosorpresa sa iyo. Pwede ring sign na ito na mahahanap mo na ang love of your life.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on