WebClick Tracer

Monday, November 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Hagibiz TV Derby bibira

PUNTIRYA nina Richard Perez at Ka Rex Cayanong na sikwatin ang pangatlong korona pagsalang nila sa Hagibiz TV 6-Stag Derby na bibitawan sa state-of-the-art RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna ngayong araw.

Magtatambalan sina Perez at Cayanong gamit ang entry name na “RIPER/Sabong On Air” para ippagpatuloy ang kanilang pamamayagpag ngayong taon.

Unang nagkampeon ang “RIPER/Sabong On Air” sa WPC 6-Cock Derby na ginanap sa New Antipolo Coliseum, sumunod ay noong nag-perfect four points sila para angkinin ang titulo sa HAGIBIZ TV 4-Cock Derby na ginanap sa isa sa mga magagandang sabungan sa Pilipinas.

Pero tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang mga panabong nina Perez at Cayanong sa pa-derby ng HAGIBIZTV na may pot money na P55,000 at minimum bet na P33,000.

Ang mga tigasing breeder na nagsaad ng pagsali ay sina Charlie “Atong” Ang, RJ Mea, Edwin Tose, Art Atayde, Bryan Montalbo at Boy Royo.

Magpupupugan ang mga batang manok na mga WPC banded (Early Bird) lamang at may timbang na 1.700 kgs hanggang 2.200 kgs. kung saan mahigit 40 enries ang nagdeklara ng pagsali.

Para sa reservation ng cock house ay makipag-ugnayan kina Dennis (09773477300) at Bonjing (09213974577). (Elech Dawa)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on