WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

WHO bininyagan ng bagong pangalan mga monkeypox variant

Inihayag ng World Health Organization (WHO) ang bagong pangalan ng mga variant ng monkeypox virus na kumakalat ngayon sa maraming bansa sa Europa at Amerika.

Ayon sa WHO, bininyagan ng mga eksperto ang dating Congo Basin clade o grupo ng mga variant sa Central Africa bilang Clade I at Clade II naman ang dating West African clade na kinabibilangan ng dalawang sub-clades ang Clade IIa at Clade IIb na siyang kumakalat at dahilan ng outbreak.

Sinabi ng WHO na dapat gamitin agad ang mga bagong pangalan para maiwasang makasakit ng damdamin sa alinmang cultural, social, national, regional, professional o ethnic group, gayundin ang negatibong epekto nito sa hanay ng kalakalan, turismo at animal welfare.