WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Taal patuloy ang pag-usok, residente ‘di pa pinalilikas

Patuloy ang pagtaas ng mainit na likido sa bunganga ng Bulkang Taal sa Batangas kasabay ng pagtagas ng mahigit 3,000 tonelada ng asupre sa nakalipas na 24 oras.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naglabas ang bulkan ng 3,945 tonelada ng sulfur dioxide at maitim na usok at abo sa taas na 2,100 metro.

May bahagya aniyang pagtataas ng tubig sa Taal Volcano Island at Western Taal Caldera habang pagbaba naman ang naobserbahan sa Eastern Taal Caldera.

Wala namang naitalang pagyanig sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, hindi naman inirerekomenda ng Phivolcs ang paglilikas sa mga residente sa paligid ng bulkan bagama’t pinapayuhan ang mga ito na maging alerto sa posibleng pagputok uli nito.