WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Scholarship sa mga guro, anak tinulak ni Tolentino

Bilang pagbibigay pagkilala sa pambihirang serbisyo para maturuan at mahulma ang kaisipan ng kabataan, naghain si Senador Francis Tolentino ng isang panukala na naglalayong mabigyan ng scholarship ang mga pampublikong guro pati na ang kanilang mga anak.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 399 ni Tolentino, nais niyang pagkalooban ang mga grupo sa pampublikong paaralan pati na ang kanilang mga anak ng libreng scholarship upang mapataas ang morale ng mga Filipino educator sa bansa.

Kung mangyayari aniya ito, ayon kay Tolentino, maraming pang mga guro ang mahihikayat na magturo sa pampublikong eskuwelahan sa bansa.

Samantala, ang mga anak ng kuwalipikadong public school teachers ay awtomatikong magbibigay ng scholarship grants at elementary, secondary, o ‘di kaya’y sa tertiary education. (Dindo Matining)