WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Sapol ng omicron variant sa Cagayan sumirit

Umabot ng 100 ang bagong kaso ng omicron subvariants sa Cagayan Valley, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit Batch 111 whole genome sequencing, 100 ang naitalang kaso ng omicron subvariants na BA.1.1.529 at BA sublieanages.

Umabot ng 50 kaso sa Cagayan, 27 sa Isabela, 12 sa Nueva Vizcaya, at 11 sa Quirino.

Nasa 82 roon ang fully-vaccinated, 13 ang naturukan ng first dose, at 5 ang hindi pa nababakunahan.
Gumaling naman na ang 100 na pasyente na tinamaan ng naturang virus. (Ansherina Jazul)