WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Raketerang bebot dinampot sa bogus na lisensya

Kalaboso ang isang ginang dahil umano sa mga pekeng driver’s license sa Recto, Maynila na kanyang pinabayaran sa mga nabiktima niyang driver ng P10,000 sa Cauayan City, Isabela noong Biyernes.

Inaresto ang suspek na si Angie Perez, 42-anyos, may asawa at sales agent sa kanilang bahay sa San Fermin, Cauayan City sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Mary Jane Socon, ng Municipal Trial Court (MTC) Cauayan City dahil sa kasong falsification by private individual and use of falsified documents.

Ayon sa Cauayan City Police Station, inaresto si Perez noong Hunyo matapos itong ituro ng isang nahuling tsuper na siya umanong nagbigay sa kanya ng pekeng lisensya kapalit ng P10,000 na bayad. Isang truper din na nagbayad sa kanya ng P8,000 ang nag-surender ng peke niyang lisensya sa mga awtoridad,

Inamin naman ng suspek na sa kanya galing ang mga lisensya na ipinagawa niya sa Recto, Maynila. Nakakulong ngayon sa CCPS detention cell ang suspek. (Allan Bergonia)