WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Ogie nadale muli ng COVID-19

Akala ni Ogie Alcasid, na sa tagal na ng pandemya, hindi na siya tatamaan ng COVID-19. Pero kahit anong pag-iingat ng singer-actor-host, nadale pa rin siya ng nakamamatay na sakit na ito.

“After two and a half years since the lockdown, today Aug. 14, 2022, inabot din,” post ni Ogie sa Instagram kalakip ang photo ng COVID test kit na nagpapakitang positibo siya sa naturang sakit.

Itinaas na lang ng mahusay na singer at songwriter ang kanyang paggaling sa Maykapal.

“Let’s do this lord (praying hands emojis),” sabi pa niya.

Pinalakas naman ang loob niya ng kanyang mga kapwa celebrity, kapamilya at mga kaibigan maging ng mga netizen.

Umaasa sila na gaya ng marami ay makaligtas si Ogie sa panganib ng virus na ito at hindi na lumala pa upang makapagpatuloy ito sa kanyang mga showbiz commitments. (Batuts Lopez)