WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

NCR positivity bumababa – OCTA

Bumababa na ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David kung saan ang weekly positive rate ng NCR ay bumaba na sa 16.4 hanggang noong Agosto 12.

Ito umano ay mula sa dating 17.5% na naitala noong Agosto 6 lamang.

“NCR weekly positivity rate decreased to 16.4% as of August 12 from 17.5% as of August 6. This is the first time in the current wave the weekly positivity rate decreased, and it gives us optimism that cases in the NCR may have already peaked. #COVID19,” ayon kay David

Sinabi ni David, ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba ang lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa kasalukuyang wave nito.

Ibinahagi pa ni David ang isang chart kung saan makikita na mula Mayo 15-21, 2022 hanggang unang linggo ng Agosto ay makikita ang unti-unting pagtaas ng COVID-19 weekly positivity rate sa NCR na bumaba lamang sa huling bahagi nito mula Agosto 7 hanggang 12. (Juliet de Loza-Cudia)