WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Naiinip na sa relasyon

I’m single po ngayaon pero nanaginip ako na may ka-date daw ako. Kumakain kami sa restaurant tapos nagkukuwentuhan. Pagkatapos nun e inaya ko na raw siya lumabas para maglakad-lakad. Parang nasa park kami nun kasi malawak e naglalakad lang kami nang magkasabay. Sadly, hindi ko na matandaan ‘yung itsura niya nung nagising ako. Ano kayang ibig sabihin nito? Thanks!

– Nymps

Ang pakikipag-date sa panaginip ay konektado sa kung paano ka makipag-communicate sa ibang tao. Kung pakiramdam mo ay magaan sa feeling ang iyong panaginip, nangangahulugan ito na gusto mong makatakas panandali sa real world.

Pwedeng iniisip mo na ngayon ang pumasok sa panibagong relasyon. Maaari rin itong sign na gusto mo nang makipag-ayos sa isang taong malapit sa iyo noon.

Ang pakikipag-dinner date ay nagsasabi na tinatanggap mo o o gustong-gusto monang magkaroon ng better relationship sa isang taong mahal mo.

Hindi rin naman direktangn nangangahulugan ang panaginip na ito na magkakaroon ka na ng karelayon sa real life. Pwede kasing may kaugnayan ito sa paano mo nakikilala ang iyong sarili.

Kung minsan, ang mga tao sa ating panaginip ay mga simbolo lamang. At ang mga simbolong ito ay dapat mong ikonsidera para mas maunawaan mo ang iyong panaginip.

Sa kabilang banda naman, kung sakali na may partner ka talaga sa buhay at nakita mo siya sa panaginip na may ka-date na iba, nangangahulugan ito na nasa mahirap na sitwasyon ang inyong relasyon.

Pero dahil sa kaso mo ay hindi mo kilala ang taong naka-date mo, indikasyon ito na may paparating sa iyo na magandang balita. May something na kamangha-mangha ang mangyayari sa iyo. Pwedeng may kinalaman ito sa pera.

Sa usaping pinansyal, ang panaginip na ito ay nagsasabi naman na masyado kang magastos ngayon at kailangna mo nang kontrolin ang sarili para makabalik ka sa mas maayos na estado.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on