WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Mukha ni Heart ipininta sa mga figurine

Ang bongga talaga ni Heart Evangelista na posibleng maging Pinay super painter-artist o kaya ay Pinay version ni Leonardo Da Vinci.

Aba naman, bukod sa super sikat ang kanyang mga oil canvass paint art work, heto nga at isinalin na rin ang kanyang ‘image’ sa mga figurine.

Pinasilip ni Heart sa Instagram ang ilang sample ng mga figurine na naka-display sa gallery ng Secret Fresh Gallery”.

Makikita sa vlog ni Heart ang pagbisita niya sa nasabing art gallery store at ang pag-tour niya sa mga naka-display na mga oil canvass na siya ang nagpinta.

Sa isang shelve ay makikita ang ilang piraso ng mga figurine na pattern o inspired kay Heart mula sa kanyang mga fashion OOTDs.

Ito ang kauna-unahang art toy figurines ni Heart na limitado lang ang dami na ilalabas sa merkado sa ngayon.

“LoveMarie x @secretfreshgallery My first ever Art Toy release, a collectible set of 12 figurines-each hand painted will be released in a limited run of only 50 seats.

“Each set comes with a personalized message for me (a surprise actually)…” sabi ni Heart.

Nasa video rin na isa-isang sinulatan, drinowingan ni Heart ang mga card na isasama sa kanyang mga figurine.

Sa August 28 bubuksan ang pagbebenta ng mga figurine ni Heart sa nasabing art gallery.

Bukod dito nagpasilip na rin si Heart ng mga Art papers na hango sa kanyang mga painting. Hindi pa ibinabalita ng actress-fashionista kung ibebenta rin sa merkado ang mga nasabing paper art work.

Kasama sa pagbisita sa gallery ang mag-asawang Christine at Julius Babao na mga art collector, at kaibigan din ng may-ari ng gallery. (Rey Pumaloy)