WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Motor nawalan ng preno, rider basag ang ulo

Nasawi ang isang rider nang mabasag ang bungo nito matapos na mawalan ng preno ang kanyang motorsiklo at tumama sa isang sementadong harang sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Cpl. Jesse Domigan ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Enforcement Unit (DTEU) Sector 5, ang biktima na si Mark Manlangit, 32-anyos at residente ng Caloocan City.

Bumabagtas aniya ang biktima sa northbound lane ng Commonwealth Avenue lulan ng asul na Suzuki motorcycle nang mawalan ng kontrol ang manibela nito at bumalandra sa concrete barrier sa harap ng Commissiom on Audit (COA) sa Barangay Batasan Hills bandang alas-6:10 ng umaga.

Tumama ang ulo ng biktima sa semento na dahilan ng agaran niyang pagkamatay.