WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Mga top secret document nasamsam sa resort ni Trump

Nasamsam ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang umano’y mga top secret na dokumento ng White House sa resort ni dating US President Donald Trump sa Mar-a-Lago Resort sa Florida.

Sinalakay ng mga ahente ng FBI ang resort ni Trump sa hinalang nilabag nito ang Espionage Act nang kunin nito ang mga classified document sa White House na may kinalaman sa nuclear weapons, mga impormasyon tungkol sa ‘President of France’ at mga dokumentong may mga acronym na simbolo ng mga sikretong hawak ng White House.

Umaabot sa 20 kahon ng mga dokumento, larawan at mga handwritten na liham ang nasamsam sa nasabing pagsalakay.

Una nang sinabi ni Trump na hindi kailangan ang ikinasang ope­rasyon ng FBI sa Mar-a-Lago Resort sa Florida, USA.