WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Mga fan umalma: Alden itsapuwera na sa Eat Bulaga OBB

May inilabas na video ang Eat Bulaga (gamit ang Facebook, Twitter, Instagram), na ang bungad na paandar nila ay, ‘Dabarkads napanood mo na ba ang bagoang opening billboard ng Eat Bulaga?’

At pag nagpunta ka sa YouTube channel nila, makikita mo nga ang bagong video na `yon (Eat Bulaga OBB 2022), na ang bugad na masisilip mo ay pagdating nina Tito, Vic, Joey sa studio ng Eat Bulaga.

Naglalakad sa pasilyo ng studio ng Eat Bulaga ang tatlo, at maririnig mo ang tinig ni Vic na, ‘143 Dabarkads! Sama-sama tayo sa Eat Bulaga!’

At siyempre, kasunod agad sa video si Maine Mendoza na nagmi-make up. Sina Wally Bayola, Jose Manalo, na nakasakay sa jeep at kumakaway.

Ang mga production staff na abalang-abala sa trabaho. Si Miles Ocampo na naka-smile. Si Maja Salvador na nagsasayaw.

Siyempre, si Paolo Ballesteros na todo emote sa harap ng kamera.

At again, pinasilip ulit sina Maine, Maja, Jose, Wally, Allan K., Ryan Agonicillo, Ryzza Mae Dizon, ang mga studio audience, at iba pa. Punong-puno nga ng kulitan ng mga co-host ang video na `yon.

At kung mapapansin mo nga ay bagong-bago rin ang areglo ng theme song ng Eat Bulaga, ha! Mas naging pang-bagets, mas mabilis, at mas bagay na sayawin.

Makikita rin sa video si Mr. Tony Tuviera, at ibang big boss ng Eat Bulaga tulad ni Jenni Ferre.

Sa huli siyempre ay ang TVJ pa rin ang makikita mo.

Pero ‘yun nga, kung mapapansin mo, wala na si Alden Richards sa OBB na `yon ng Eat Bulaga. Kaya nag-react ang mga fan niya.

“Nakakalungkot wala na si Alden sa EB!” – elenacasanova64

“Bakit wala na si Alden? Hindi na ba siya part ng Eat Bulaga?” – loveraine24.

“Kaya pala hindi niyo na pinabalik si Alden jan dahil kasabwat kayo sa proposal ek-ek na `yon!” – i_am_tess01.

“Turing point pala ‘yung proposal na `yon para ipaalam sa lahat na wala na si Alden sa EB!” – yalekski20.

Siyempre, maraming masasakit na mensahe ang nabasa mula sa mga fan ni Alden, o AlDub, na hindi pa rin maka-move one.

Pero, sagot ng floor director na si Pat Plaza (@patchypie), “Hi! Busy si Alden sa mga shoots niya… Please don’t blame the show. Thanks Dabarkads!”

Well, obyus naman na si Alden talaga ang sobrang busy sa mga ganap niya sa labas ng Eat Bulaga, di ba?

Bukod sa serye nila ni Bea Alonzo na ‘Start Up PH’, may concert din siyang pinaghahandaan sa Amerika. At siyempre, may mga shoot din siya para sa mga endorsement niya, di ba?

At di ba nga, kamakailan ay nagkasakit din si Alden?

Eh sa sitwasyon ngayon, na pandemic pa rin naman tayo, na bawat kilos mo, swab muna, bago enter!

Mabuti na lang at may mga fan din naman na nakakaintindi, na sinasabi nga nila na sobrang busy talaga ni Alden ngayon.

Pero, hirit pa rin nila, sana ay nilagay pa rin nila si Alden sa Eat Bulaga OBB 2022. May mga panahon din naman na present si Alden sa Eat Bulaga nitong mga nakalipas na buwan, diba? So, sana raw ay ‘yun ang ginamit!

Well… (Dondon Sermino)