WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Mga dayuhan sa probinsya bantay-sarado ng PNP

Hinikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang mga opisyal ng pulisya at barangay sa mga lalawigan na magkaroon ng regular na ugnayan para bantayan at maging alisto sa kahina-hinalang kilos ng mga dayuhan sa kanilang mga lugar.

Inihayag ito ni Azurin kasunod ng pagkakadakip sa isang Chinese national at kasabwat nitong limang Pilipino bunsod sa natuklasang warehouse na pinagtaguan nila ng 360 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.5 bilyon sa ‘Blue House’ sa Turquoise St., Sunshine Village, Barangay Banding, Pozorrubio, Pangasinan.

Sinabi ni Azurin na marami pang ilegal na droga sa bansa dahil marami pa rin ang bumibili at nagbebenta nito. Kinilala rin naman niya na marami ang tumutulong sa pulisya sa kanilang kampanya laban sa ilegal na droga.

Sakaling may matunugan o mapansin silang kaduda-dudang galaw ng mga dayuhan, sinabi ni Azurin na dapat itong maipaalam agad sa pulisya para maberipika.

“Kausapin rin ng mga opisyal natin sa barangay ang mga residente nila para makilusan agad ng ating mga pulis sakaling tama ang kutob nila na may masamang ginagawa ang mga dayuhan sa kanilang mga lugar,” ani Azurin.