WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

Mga amazing painting na gawang Noypi

Ang sining ay simbolismo ng malaya at malikhaing talento ng mga artist. Sinasalamin nito ang mga partikular na tema at mukha ng mga pangyayari sa ating kasaysayan.

Kaya naman huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Ito na ang top 5 Pinoy paintings:

Una, ay ang Spoliarium. Ito ay obra ni Juan Luna noong taong 1884. Ang painting na ito ay gawa sa oil canvas na umikot sa sulyap sa mga kaganapan noon. Makikita sa pinta ang mga duguang katawan, ang elemento ng pighati, at ang dahas na kinaharap ng mga tauhan ng sining.

Pangalawa ang Madonna of the Slums. Obra naman ito ni Vicente Manansala noong 1950. Ang painting na ito ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa tinatawag na Modernist Movement sa bansa. Makikita rito ang isang ina na hawak ang kanyang anak na tila kagagaling lang sa probinsya na ngayon ay nasa siyudad na.

Bukod dito, ang ginamit na technique ni Vicente rito ay ang tinatawag na “transparent cubism.”

Pangatlo ang Sabel. Ito ay gawa ni Benedicto Cabrera noong 1965. Ilan sa mensahe ng painting na ito ay “dislocation, despair, at isolation”.

Dagdag pa rito, nirerepresenta nito isang palaboy o homeless na babae na ayon kay Cabrera ay repleksyon din ng kahit sinong Filipina.

Pang-apat ay ang Filipino Struggles Through History ni Carlos “Botong” Francisco noong 1968. Kilala rin ito sa tawag na “History of Manila”. Ito ay series ng mga paintings na ipinakikita ang ilang mga kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas.

At pang-lima, ay ang Gathering of Heroes ni Juanito Torres. Nailabas ito noong 2017 bilang parte ng “Kalayaan” works ni Torres. Ipinakikita sa painting na ito ang 19th century Philippine Movement na tila kahawig ng cover ng movie na “X-Men”.

Ilan lamang ito sa mga napakaganda at napakasiksik sa samu’t saring storya na mga obra ng mga mahuhusay na pintor sa ‘Pinas. (Moises Caleon)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on