WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Manliligaw ng dating dyowa, kinadyot ng selosong ex

Todas ang isang lalaki matapos itong kadyutin ng saksak sa hita ng ex-boyfriend ng dalagang nililigawan umano nito sa Barangay Manggahan, Pasig City nitong Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, isinugod sa Pasig Doctors’ Medical Center ang biktimang si Jordan Daos, 26-anyos at service crew supervisor pero binawian ito ng buhay dahil sa matinding pagdurugo nang tamaan ang kaniyang major artery sa hita.

Samantala, naglunsad na ng manhunt ang pulisya laban sa suspek na si Paul Vincent Miranda, alyas Botchok, at ex-boyfriend ni Jessica May Chua.

Nabidyuhan ang paninira ng suspek sa pinto bahay nina Chua pero hindi nasapol ng video ang pananaksak nito sa biktima na nasa bahay ng dalaga para mananghalian.

Sinabi ni Chua na umiiwas na siya sa suspek kaya marahil nagalit ito at sumugod sa kanila. Tinutukoy pa ng pulisya kung selos ang motibo ng suspek para sugurin at saksakin ang biktima.