WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Loisa, Ronnie ‘nasipa’ dahil kay Coco Martin

Umalma ang mga fan nina Loisa Andalio, Ronnie Alonte, dahil biglang-bigla nga ay nasipa ang teleserye ng dalawa, ang ‘Love in 40 Days’ noong August 12!

Ang rason, binigay kasi sa finale episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang oras nina LoiNie. Kaya kung mapapansin niyo, umabot ng dalawang oras ang finale episode ng serye ni Coco Martin.

At hindi naman pinagsisihan ng mga manonood, dahil super sulit nga raw ang pagtatapos ng kuwento ni Cardo Dalisay. At di ba nga, apat na pa-hashtag nila ang nag-trending talaga.

Bago naman `yon ay may pag-anunsiyo na nga tungkol sa pangyayaring `yon.

“Upang mabigyang-daan ang finale episode ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos’, pansamantalang hindi mapapanood ang ‘Love In 40 Days’ ngayong gabi, August 12.

“Mapapanood muli ang ‘Love In 40 Days’ sa Lunes, August 15.

“Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.”

Pero siyempre, hindi `yon bet ng mga solid LoiNie fan, dahil tutok na tutok nga naman sila sa kuwento ng kanilang mga idolo. (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on