WebClick Tracer

Thursday, September 29, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Lodi rider dedo sa harurot

BINAWIAN ng buhay ang sikat na endurance rider ng Cagayan de Oro na si Jireh Morales Edrote nitong Sabado, Agosto 13, nang aksidente habang ginaganap ang isang karera sa Misamis Oriental.

Sakay ang 29-anyos ng 1000cc Kawasaki Versys Green habang nakikipagkumpitensya sa Diyandi Motourally Endurance Challenge nang lampasan ang kurba sa kahabaan ng Purok Rizal, Barangay Poblacion, Lugait sa naturang lalawigan bandang alas-2:00 ng madaling araw. Sumalpok siya sa poste ng bakal bago tumilapon sa isang kanal at mapinsala ang katawan, ayon sa police report.

Isinugod siya sa kalapit na Manticao Municipal Hospital, pero idineklara ng dead on arrival. Si Edrote ang patok sa endurance motorcycle race, na nilargahan sa Iligan City.

Ang taunang karera ay parte ng Diyandi Festival ng probinsiya. (Lito Oredo)