WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Libreng uniporme, gamit sa eskuwela pinamahagi ng Antipolo LGU

ISANG linggo na lang pasukan na at ang mga batang Antipolenyo, handa na at excited sa pagbubukas ng klase sa Lungsod sa Agosto 22, 2022.

Ito’y kasunod ng ginawang pamamahagi ng Antipolo City Government sa pangunguna ni Mayor Casimiro ‘Jun’ Ynares III, ng mga school supply na kailangan ng mga kabataang mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod.

“Huwag pong mag-alala. Tulad pa rin ng halos isang dekada (simula 2014), naglaan po tayo ng pondo para sa libreng bag, uniporme at notebooks para sa ating mga anak at mag-aaral na nag-aaral ng elementary at HS sa mga public schools sa lungsod,” saad ni Mayor Jun.

At gaya umano ng nakagawian pa dati ay kailangan lang na magtungo sa mga eskuwelahan kung saan naka-enroll ang mga bata, para makuha ang libreng school supplies.

Habang nakakuha na ang iba, may paalala naman si Mayor Jun sa mga magulang patungkol sa iskedyul, para matiyak na nasusunod ang minimum health protocols at iwas ang dagsa ng tao.